Testo Tagumpay Nating Lahat - Gary Granada
Testo della canzone Tagumpay Nating Lahat (Gary Granada), tratta dall'album Sa Pagitan Ng Ngayon At Kailanman
Ako'y anak ng lupang hinirang
Kung saan matatagpuan
Ang timyas ng perlas ng silangan
Nagniningning sa buong kapuluan
Taglay ko ang hiwaga ng silangan
At saan mang bayan o lungsod
Maging timog, hilaga at kanluran
Ang pilipino ay namumukod
Sama-sama nating abutin
Pinakamatayog na bituin
At ang aking tagumpay
Tagumpay ng aking lahi
Tagumpay ng aking lipi
Ang tanging minimithi at hinahangad
Hangad ko'y tagumpay nating lahat
Ako ay may isang munting pangarap
Sa aking dakilang lupain
At sa sama-sama nating pagsisikap
Sama-sama ring mararating
Ang iba't ibang galaw (iba't ibang galaw)
Iisang patutunguhan
Dito isang araw, isang kapuluan
Sama-sama nating abutin
Pinakamatayog na bituin
At ang aking tagumpay
Tagumpay ng aking lahi
Tagumpay ng aking lipi
Ang tanging minimithi at hinahangad
Hangad ko'y tagumpay nating lahat
Hangad ko'y tagumpay nating
Lahat
Credits
Writer(s): Gary Granada
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
Disclaimer:
i testi sono forniti da Musixmatch.
Per richieste di variazioni o rimozioni è possibile contattare
direttamente Musixmatch nel caso tu sia
un artista o
un publisher.