Testo Ibig Sabihin - Gary Granada
Testo della canzone Ibig Sabihin (Gary Granada), tratta dall'album Sa Pagitan Ng Ngayon At Kailanman
'Di ba't kung minsa'y 'di mo masabi-sabi ang ibig sabihin
'Di naman kaya'y 'di mabigkas-bigkas ang ibig bigkasin
Sa dinami-dami ng mga nilalaman ng
Pagkayaman-yaman nating talatinigan
Himalang 'di maintindihan, 'di mo masabi ang ibig
Kahit ang dakila ay tila ang dila ay namimilipit
At ang salita'y 'di matumpak-tumpak at patumpik-tumpik
Tunay nga kayang tunay ang sinasabi ng 'ika nga'y
Nakatatanda kung matatandaan
'Pag ibig sabihi'y 'di masabi-sabi, sabi'y pag-ibig
At ang ibig lang sabihin
Ang marapat, marapatin
Ang 'di mo pansin, dapat pansinin
Ang 'di mo rinig, dapat ay dinggin
Kadalasan ay dinadaan-daan na lang natin sa biro
Kahit naglulupasay at nagdurusa at nagdurugo
'Di nga ba't ang sabi ng lumang kasabihan
'Di yata't tulak ng bibig ay kabig ng dibdib
'Pag ibig sabihi'y 'di masabi-sabi sabi'y pag-ibig

'Pag ibig sabihi'y di masabi-sabi sabi'y pag-ibig
'Pag ibig sabihi'y di masabi-sabi sabi'y pag-ibig
Credits
Writer(s): Gary Granada
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
Disclaimer:
i testi sono forniti da Musixmatch.
Per richieste di variazioni o rimozioni è possibile contattare
direttamente Musixmatch nel caso tu sia
un artista o
un publisher.