Testo Paalam Kahapon - Ebe Dancel
Testo della canzone Paalam Kahapon (Ebe Dancel), tratta dall'album Dalawang Mukha ng Pag-ibig
Paalam na kahapon
kay layo na pala ng noon
'Di ko na inakalang
Darating ang umagang ito
Parang kanina lamang
Nung tayo ay mga batang
Walang kinatatakutan
Sa bukas ay walang pakialam
Iwanan man kita
Nakaukit ka na sa puso ko
Malilimot ba kita
Nakaukit ka na sa puso ko
Paalam na kahapon
Kailangan na ako ng ngayon
Alaala mo'y ikakahon
Ngunit kailan ma'y hindi kayang itapon
Tila utos ng mundong mabuhay
Akong pasulong, at 'wag paurong
Patawarin mo ako kung
Unti-unti akong binago ng mundo
Credits
Writer(s): Vincent Ferdinand Dancel
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
Disclaimer:
i testi sono forniti da Musixmatch.
Per richieste di variazioni o rimozioni è possibile contattare
direttamente Musixmatch nel caso tu sia
un artista o
un publisher.