Testo Kapag Sinabi Ko Sa Iyo - Gary Granada
Testo della canzone Kapag Sinabi Ko Sa Iyo (Gary Granada), tratta dall'album Legends Series: Gary Granada
Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y minamahal
Sana'y maunawaan mo na ako'y isang mortal
At di ko kayang abutin ang mga bituin at buwan
O di kaya ay sisirin perlas ng karagatan
Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y iniibig
Sana'y maunawaan mo na ako'y taga-daigdig
Kagaya ng karamihan, karaniwang karanasan
Daladala kahit saan, pang-araw-araw na pasan
Ako'y hindi romantiko, sa iyo'y di ko matitiyak
Na pag ako'y kapiling mo kailanma'y di ka iiyak
Ang magandang hinaharap sikapin nating maabot
Ngunit kung di pa maganap, sana'y huwag mong ikalungkot
Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinisinta
Sana'y yakapin mo akong bukas ang iyong mga mata
Ang kayamanan kong dala ay pandama't kamalayan
Na natutunan sa iba na nabighani sa bayan
Halina't ating pandayin isang malayang daigdig
Upang doon payabungin isang malayang pag-ibig
Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinusuyo
Sana'y ibigin mo ako, kasama ang aking mundo
Credits
Writer(s): Gary Granada
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
Disclaimer:
i testi sono forniti da Musixmatch.
Per richieste di variazioni o rimozioni è possibile contattare
direttamente Musixmatch nel caso tu sia
un artista o
un publisher.