Testo Sesa - SESA
Testo della canzone Sesa (SESA), tratta dall'album Konpa Lakay Belgay (The Ultimate Haitian Music)
Ako'y walang saysay, akala ko ako ay tunay
Pilit naglalakbay, ang aking buhay
Ngunit nag-iintay
Ang aking kahapon, paulit-ulit bumabalik
Nakikitang sarili, lumalangoy ngunit sa putik.
Ngunit iba ka, pano mo ko nakita.
Pinulot mo ako, nung akala kong ako'y nag-iisa,
Kulang ba ang tinig ko
Para awitan at purihin ka,
PANGINOON
2nd stanza
Ngayon alam ko na, ang ibig sabihin ng mabuhay
Ngayong kapiling ka, hinding hindi na mag-iisa
Dahil ikaw ang liwanag, sa gabi kapag ako'y tumatangis
At ikaw ang umaga, sa pagmulat ko'y nakangiti
Ako'y nasasabik, sa iyong pagbabalik.
Pinulot mo ako, nung akala kong ako'y nag-iisa,
Kulang ba ang tinig ko, para awitan at purihin ka
PANGINOON
Kulang ba kahit ibigay ko ang lahat
Maging ang buhay ko'y hindi pa sapat
Pero hayaan mong ibigay ko ang lahat
Nang ang puso ko sayo'y maging tapat oh...
PANGINOON
Pinulot mo ako, nung akala kong ako'y nag-iisa,
Kulang ba ang tinig ko, para awitan at purihin ka,
PANGINOON
Pinulot mo ako, nung akala kong ako'y nag-iisa,
kulang ba ang tinig ko, parasabihin kong mahal kita
PANGINOON
Credits
Writer(s): Leslie Lavelanet
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
Disclaimer:
i testi sono forniti da Musixmatch.
Per richieste di variazioni o rimozioni è possibile contattare
direttamente Musixmatch nel caso tu sia
un artista o
un publisher.