Testo Sa Bawat Sandali - Amiel Sol
Testo della canzone Sa Bawat Sandali (Amiel Sol), tratta dall'album Ang Mutya Ng Section E (A Viva One Original Series Soundtrack)
Kapag magulo na ang mundo
Ikaw ang payapang hinahanap-hanap ko
Kumakabog na naman ang dibdib
Sa pagkabahala na dala ng daigdig
Sa dami ng nangyayari, sa'n ba 'ko lalapit?
Kundi sa 'yo lang ako kakapit
Kapag magulo na ang mundo
Ikaw ang payapang hinahanap-hanap ko
Tumakbo ka rin patungo sa 'kin
Kapag bumibigat na ang iyong dibdib
Ika'y sasalubungin
Ooh, ooh
Nais kong sumibol kasama ka
At sulyapin natin ang ating hinaharap
Ikaw lang, ikaw ang aking pahinga
Sa 'yo aking gising, hanggang sa pagtulog
Sa 'yo ang pag-ikot ng aking mundo
Kapag magulo na ang mundo
Ikaw ang payapang hinahanap-hanap ko (hinahanap-hanap ko)
Tumakbo ka rin patungo sa 'kin
Kapag bumibigat na ang iyong dibdib (ooh)
Laman ka ng bawat panalangin
Ikaw ang pahinga sa bawat sandali (ooh)
Patungo sa 'yo ang aking tinig
At iisa lang ang sinasabi ng pintig
Ika'y sasalubungin
(Ooh)
(Ooh)
(Ooh)
(Ooh)
Kapag magulo na ang mundo
Ikaw ang payapang hinahanap-hanap ko
Tumakbo ka rin patungo sa 'kin
Kapag bumibigat na ang iyong dibdib
Sa isang sulyap mo lang
Tila ako'y hagkan mo na
At ang mundo'y gumagaan
Credits
Writer(s): Amiel Sol
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
Disclaimer:
i testi sono forniti da Musixmatch.
Per richieste di variazioni o rimozioni è possibile contattare
direttamente Musixmatch nel caso tu sia
un artista o
un publisher.