Testo Pare Ko - Eraserheads
Testo della canzone Pare Ko (Eraserheads), tratta dall'album Ultraelectromagneticpop!
Pare ko, mayro'n akong problema
Huwag mong sabihing "Na naman?"
In love ako sa isang kolehiyala
Hindi ko maintindihan
Huwag na nating idaan sa maboteng usapan
Lalo lang madaragdagan ang sakit ng ulo at bilbil sa tiyan
Anong sarap, kami'y naging magkaibigan
Napuno ako ng pag-asa
'Yon pala, haggang do'n lang ang kaya
Akala ko ay puwede pa
Masakit mang isipin kailangang tanggapin
Kung kailan ka naging seryoso, saka ka niya gagaguhin
Oh, Diyos ko, ano ba naman ito?
'Di ba? 'Tang ina, nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako, letseng pag-ibig 'to
Diyos ko, ano ba naman ito?
Oh, oh, whoa, oh-whoa
Sabi niya, ayaw niya munang magkasiyota
Dehins ako naniwala
'Di nagtagal, naging gano'n na rin ang tema
Kulang na lang ay sagot niya
Bakit ba ang labo niya? 'Di ko maipinta
Hanggang kailan maghihintay? Ako ay nabuburat na
Pero minamahal ko siya
'Di biro, T.L. ako sa kaniya
Alam kong nababaduyan ka na sa mga sinasabi ko
Pero sana naman ay maintindihan mo
Oh, pare ko (oh, pare ko), mayro'n ka bang maipapayo?
Kung wala ay okay lang (kung wala ay okay lang)
Kailangan lang ay (kailangan) ang iyong pakikiramay
Andito ka ay ayos na (andito ka ay ayos na)
Masakit mang isipin, kailangang tanggapin
Kung kailan ka naging seryoso, saka ka niya gagaguhin
Oh, Diyos ko, ano ba naman ito?
'Di ba? 'Tang ina, nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako, letseng pag-ibig 'to
Diyos ko, ano ba naman ito?
'Di ba? 'Tang ina, nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako, letseng pag-ibig 'to
Diyos ko, ano ba naman ito?
Whoa, oh-whoa
Oh, whoa, oh-whoa
Credits
Writer(s): Buendia Ely Eleandre
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
Disclaimer:
i testi sono forniti da Musixmatch.
Per richieste di variazioni o rimozioni è possibile contattare
direttamente Musixmatch nel caso tu sia
un artista o
un publisher.