Testo Padayon - Ebe Dancel
Testo della canzone Padayon (Ebe Dancel), tratta dall'album Padayon (Theme from Kid Kulapo)
Bago magtagumpay, kailangan munang sumablay
Sa mga binabato ng buhay, kasama ang aray
Padayon
Padayon
Sikmura'y sumusuko, nagrereklamo, kumakalam
'Di nakakabusog ang pangarap, sadyang walang laman
Kumayod lang nang kumayod, huwag kang aayaw
Kahit walang makapitan, huwag kang bibitaw
Kasama sa tagumpay, tamang daan at gabay
Sa mga taong nagbigay ng buhay, anuman ang kulay
Padayon
Padayon
Tuloy ang ikot ng mundo, pasan mo man ito
Sakyan mo lang ang alon, anumang laki nito
Guhit na'ng ating bukas, huwag kang aatras
'Di tayo pababayaan, mas malakas ang nasa taas
Abot ang tagumpay dahil sa dalawang kamay
Sa hirap ng biyahe ng buhay, matutong sumakay
Abot ang tagumpay dahil sa dalawang kamay
Sa hirap ng biyahe ng buhay, matutong sumakay
Padayon (padayon, padayon)
Padayon (padayon, padayon)
Nadapa, sugatan, nagwala, nabigo
Nalito, lumayo, lumubog, tumayo
Bukas ay may panibagong yugto
Tamang oras na nakalaan sa 'yo
Abot ang tagumpay dahil sa dalawang kamay
Sa hirap ng biyahe ng buhay, matutong sumakay
Abot ang tagumpay dahil sa dalawang kamay
Sa hirap ng biyahe ng buhay, matutong sumakay
Whoa-oh-oh-oh-oh-oh (ay-ay-ay-ay-ay-ay-ay-ay-ay-ay-ay-ay)
Padayon (patuloy ang laban)
Padayon
Credits
Writer(s): Ebe Dancel
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
Disclaimer:
i testi sono forniti da Musixmatch.
Per richieste di variazioni o rimozioni è possibile contattare
direttamente Musixmatch nel caso tu sia
un artista o
un publisher.