Testo Kaibigan Lang Pala - Liezel Garcia
Testo della canzone Kaibigan Lang Pala (Liezel Garcia), tratta dall'album Juan Dela Cruz, Vol. 2 (Original Motion Picture Soundtrack)
Noong ako ay nilapitan mo
Tinanong kung ano ang pangalan ko
Nabighani agad itong puso
Na-love at first sight sa'yo
Ngunit sayo'y may nalaman ako
Mayr'on na raw ibang mahal ang puso mo
Sino ba s'ya ang tanong ko sa'yo
Sinabi mong s'ya ay kaibigan lang
Kaibigan lang pala, kaibigan lang pala
Napawi ang aking pangangamba
Aking nadarama, ngayo'y pag-asa na
'Pagkat s'ya ay kaibigan lang pala
Oh-oh
Akala ko s'ya ang iyong sinta
Ngunit s'ya ay kaibigan lang pala
Sabik ang puso ko na malaman
Ang pag-ibig mong labis kung inaasam
Baka sa puso mo, ako'y kaibigan lang
Sana'y hindi 'pagkat magdaramdam
Ah-ah
Kaibigan lang pala, kaibigan lang pala
Napawi ang aking pangangamba
Aking nadarama, ngayo'y pag-asa na
'Pagka't s'ya ay kaibigan lang pala
'Pagkat s'ya ay kaibigan lang pala
Oh-oh-oh-oh
Credits
Writer(s): Maria Bernardita Gutierrez, Palac Rey
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
Disclaimer:
i testi sono forniti da Musixmatch.
Per richieste di variazioni o rimozioni è possibile contattare
direttamente Musixmatch nel caso tu sia
un artista o
un publisher.