Testo Kabiyak - Zsa Zsa Padilla
Testo della canzone Kabiyak (Zsa Zsa Padilla), tratta dall'album 'Pag Tinadhana
Nandiyan ka at nandito ako
Pinag-isa ngunit pinaglayo
Ng di tamang panahon at pagkakataon
Nangungulila, nakatingala sa isang kalawakan
Ako'y humihiling di sana maglaho ating pag-ibig
Naaalala mo kaya ako sa takipsilim
Laman ng isip sa pagtulog at pag-gising
Ikaw lamang panghabang buhay
Sa iyo lamang sa habang buhay
Tanggapin mo ang pagmamahal ko
Ikaw ang sinisigaw ng puso ko
Lahat ay gagawin makabalik lang sa'yo
Tatawirin ang hangganan ng langit at mundo
Ikaw lamang magpakailanman
Sa iyo lamang magpakailanman
Sa panahon na magkita tayo
Di na magtatago at matatakot
Sa bawat segundo, ipaaalala kong ikaw ay mahalaga
At mahal na mahal kita
Walang papantay at wala ng iba
Saksi ating Diyos at ang alapaap
Na nahanap ko sa'yo ang aking kabiyak
Ang tanging hiling ika'y muling mayakap
Ikaw lamang sa habang buhay
Ikaw lamang sa habang buhay
Nandiyan ka at nandito ako
Pinag-isa ngunit pinaglayo
Ng di tamang panahon at pagkakataon
Ngunit maghihintay ako
Maghihintay sa'yo
Credits
Writer(s): Danielle Ann Balagtas
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
Disclaimer:
i testi sono forniti da Musixmatch.
Per richieste di variazioni o rimozioni è possibile contattare
direttamente Musixmatch nel caso tu sia
un artista o
un publisher.