Testo Hinga Muna - Fred Engay
Testo della canzone Hinga Muna (Fred Engay), tratta dall'album Hinga Muna
Naririnig ko ang tibok ng iyong puso
Halika muna't sumayaw, ang ngayon ay regalo
Habang hawak ang iyong kamay, ako ay nangangako
Pag-ibig na umaapaw ay hindi maglalaho
Hinga muna nang malalim
Bawat sandali ay namnamin
Kalimutan mo muna ang iyong nakaraan
Kalimutan mo muna ang iyong hinaharap
Ang isipin mo muna na ang mahalaga
Tayo ay magkasama
Wag kang mangamba sa mga pagbabago
Dating mundo ay gumuho, para palitan ng bago
Kung dati ay nangangapa, ngayon ay sigurado
Pagsubok man ay dumating, hindi tayo susuko
Hinga muna nang malalim
Bawat sandali ay namnamin
Kalimutan mo muna ang iyong nakaraan
Kalimutan mo muna ang iyong hinaharap
Ang isipin mo muna na ang mahalaga
Tayo ay magkasama
Ang ngayon ay mahiwaga
Wag mag-alala
Ang ngayon ay biyaya
Pasanin ay mawawala
Isuko na ang pangamba
Bitawan ang problema
Sa Diyos nagtitiwala
Kalimutan mo muna ang iyong nakaraan
Kalimutan mo muna ang iyong hinaharap
Kalimutan mo muna ang di mo nagawa
Kalimutan mo muna ang mga pangamba
Credits
Writer(s): Alfredo Engay
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
Disclaimer:
i testi sono forniti da Musixmatch.
Per richieste di variazioni o rimozioni è possibile contattare
direttamente Musixmatch nel caso tu sia
un artista o
un publisher.