Testo Bumbero - Mic Llave
Testo della canzone Bumbero (Mic Llave), tratta dall'album PhilPop 2018: Top 30
Kami sa simula'y parang 'di mapagitnaan
Ng kahit anuman, ng kahit anuman
Sila nama'y parang magkaibang mundo
Pero ano ito? Tuwing gabi'y magkasuyo
Bakit kahit pa gawin lahat ay 'di pa rin napapansin?
'Di ko na ata kakayanin ang lungkot
Nas'an na ang sagot?
Nalunod na't gumuhit sa baga ang pait na nadarama
Bumbero, sagipin mo 'ko
Bago tuluyang magliyab ang puso at magkagulo
Bumbero, pahinging saklolo
'Di ko alam ang gagawin, ako'y kanya ngunit siya'y 'di akin
Siya ay patuloy ang takbo habang ako'y lumpo
At halos 'di makahinga tuwing nakikita kayo
Naglalakad sa buwan habang ako'y limot sa kawalan
Kailangan nang pakawalan
Bumbero, sagipin mo 'ko
Bago tuluyang magliyab ang puso at magkagulo
Bumbero, pahinging saklolo
'Di ko alam ang gagawin, ako'y kanya ngunit siya'y 'di akin
Naisin kang limutin
Maniniwalang hindi ka akin
Isa lang ang tanging hiling
Sana'y makaalis sa bahay na abo at uling lang ang natira
Sabay sunugin ang mga liham na 'di ko na naibigay
Hanggang ngayo'y naghihintay
Bumbero, sagipin mo 'ko
Bago tuluyang magliyab ang puso at magkagulo
Bumbero, pahinging saklolo
Numinipis na ang hangin, balot sa usok at bulag ang paningin
Ako ay tangayin
Hapong-hapo't 'di na makahinga
'Di ko na kaya pang makita siya
Credits
Writer(s): Michael Llave
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
Disclaimer:
i testi sono forniti da Musixmatch.
Per richieste di variazioni o rimozioni è possibile contattare
direttamente Musixmatch nel caso tu sia
un artista o
un publisher.