Testo Bukas Makalawa - Sam Concepcion
Testo della canzone Bukas Makalawa (Sam Concepcion), tratta dall'album Para Sa Broken Hearted (Original Movie Soundtrack)
Sadyang mapaglaro ang
Palad ko't tadhana
Puso'y napadpad sa'yo at
'Sinawalang-bahala
Ang mga tanong, mga babala
Dagling binigay ko ang lahat
Kahit itong puso'y 'di handa
Ako ay umibig sapagka't
Ako'y susubok kahit 'di sigurado
Kung bukas makalawa
Ikaw ba ay nandito pa?
O bukas makalawa
Tuluyan nang maglalaho'ng mga
Hiram na sandali
Pa'no tayo bukas
Bukas makalawa?
Sadyang mapaglaro ang
Takbo ng buhay natin
Baka kung kailan pa ako ay
Nahulog na't bawiin
Sa 'kin itong puso mong handa
Na ring binigay sa 'kin ang lahat
Ang mga tanong, mga babala
Nanunumbalik sapagka't
Ako'y sumubok kahit 'di sigurado
Kung bukas makalawa
Ikaw ba ay nandito pa?
O bukas makalawa
Tuluyan nang maglalaho'ng mga
Hiram na sandali
Pa'no tayo bukas?
Pa'no tayo bukas makalawa?
Ikaw ba ay nandito pa?
O bukas makalawa
Tuluyan nang maglalaho'ng mga
Hiram na sandali
Pa'no tayo bukas
Bukas makalawa?
Credits
Writer(s): Yumi Lacsamana, Thyro Alfaro
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
Disclaimer:
i testi sono forniti da Musixmatch.
Per richieste di variazioni o rimozioni è possibile contattare
direttamente Musixmatch nel caso tu sia
un artista o
un publisher.