Testo Bakit Nga Ba? - Aloha
Testo della canzone Bakit Nga Ba? (Aloha), tratta dall'album The Vicor Story: Celebrating 50 Years of Vicor Music Vol. 2
Sha-la-la-la-la, sha, sha-la-la, ah, ah, ah
Bakit nga ba 'pag dumadaan ka, ako ay namumula?
At pinagkakantiyawan tuloy ng barkada
Pagdinig ng iyong pangalan, kaya kung nasaan
Agad kong tinitingnan ang s'yang pinagmulan
At bakit ba sa gabi, ako'y 'di mapakali sa isang tabi? (Sa isang tabi)
Ako ay 'di maidlip at ikaw ang nasa isip
At bakit ba t'wing minamasdan kita
Ang dibdib ko ay laging kumakaba?
Ako ay nanlalamig (ako ay nanlalamig)
Ito ba'y tanda ng 'sang umiibig?
Bakit nga ba 'pag kausap kita, isip ko'y nawawala?
Pakiramdam ko'y para akong nahihiya
Bakit ba 'ko balisa 'pag isang araw kitang 'di makita?
At nag-aalalang baka kung napapa'no ka na
At bakit ba tuwing minamasdan kita
Ang dibdib ko ay laging kumakaba?
Ako ay nanlalamig (ako ay nanlalamig)
Ito ba'y tanda ng isang umiibig? (Bakit nga ba? Oh, bakit nga ba?)
At bakit ba tuwing minamasdan kita
Ang dibdib ko ay laging kumakaba?
Ako ay nanlalamig
Ito ba'y tanda ng 'sang umiibig?
Sha-la-la-la-la, sha, sha-la-la, ah, ah, ah
Bakit nga ba?
Credits
Writer(s): Santos Renato
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
Disclaimer:
i testi sono forniti da Musixmatch.
Per richieste di variazioni o rimozioni è possibile contattare
direttamente Musixmatch nel caso tu sia
un artista o
un publisher.