Testo della canzone Kababata (Kyla feat. Kritiko), tratta dall'album Himig Handog 2018

Kababata - Kyla feat. Kritiko

Napakasarap siguro kung 'di tayo nagkahiwalay
Lahat ng mga pangarap ko para sa 'tin ay nawala
Kung maaari sanang maibalik ang dati
Hindi sana 'to nangyari
Ikaw pa rin sana ang palagi kong kasama

Sa malawak na lupain doon sa aming bukirin
Tayo laging magkasama, umaga hangggang dilim
Sa ilalim ng punong mangga, sabay nating ipininta
Ang sumpaang idinikta mo sa 'kin

Ang pag-ibig na manggagaling sa 'yo kahit mga bata pa tayo
Ay hindi na mabilang ang mga nabubuong mga plano
Kasabay ng eroplanong papel
Ang paglipad ng mga pangarap nating gusto nating marating

Tunay na pag-ibig na ang nadama, sa aking edad na siyam
Ako'y palaging masaya, 'yan lang ang aking alam
Sa bawat oras na kasama ka, habang naglalaro sa ating baryo
Ay hindi ko mapigilang matitigan

Medyo pilyo na ang pagtingin mo sa 'kin
Pero 'di mo kinakailang ako'y gusto mo rin
At parang 'di ko na gugustuhing mapalayo pa
Ikaw lang ang para sa akin, sa aking dalangin, palaging nando'n ka

Napakasarap siguro kung 'di tayo nagkahiwalay
Lahat ng mga pangarap ko para sa 'tin ay nawala
Kung maaari sanang maibalik ang dati
Hindi sana 'to nangyari
Ikaw pa rin sana ang palagi kong kasama

Araw-araw ang eksena ay palaging masaya
Sa pagpasok, pag-uwi ng eskuwela, kasama ka
Hanggang sa paglalaro, ikaw pa rin ang kaparehas
Sa aking kaharian, ikaw ang natatanging reyna

Lahat ay itsapuwera kahit na anumang bagay
Katunayan, boto sa 'kin ang iyong mahal sa buhay
Kumpleto na't matibay at lahat ay okay na
Hanggang sa dumating ang biglaan na problema

Nagulat ako isang araw, nakita ko ang aking ama at aking ina
Nakita ko na sila'y mayro'ng bisita, ang mga kulay ng mata ay iba
Tinawag nila ako't lumapit sa aming bisita, "Halika, anak, kalika"
No'ng narating ko, "Bakit, ano po?", "Anak, ganito, maupo ka"

"Matutupad na ang pangarap ko para sa 'yo, heto na 'to
Huwag mo sana kaming bibiguin, umaasa ako at ang ama mo
Magpapaalam ako sa iyo kahit na masakit, kakayanin ko 'to
Lilisan ako pero tandaan mo na ako ay magbabalik para sa 'yo"

Nagbilang ng mga araw at buwan
Ngunit panaginip nang muli kang madatnan
Kung sana'y 'di nawalay kahit na isang saglit
Pag-ibig ay buhay pa rin (pag-ibig ay buhay pa rin)
Kahit 'di na pumikit

Sa 'king pag-uwi
Baon ko'y walang hanggang ngiti (walang hanggang ngiti)
Lundag ng puso, sabay sa bawat paghakbang patungo sa 'yo
Ngunit parang may nagbago

Lumipas ang napakaraming taon
Sa wakas ako'y nakabalik nang muli (ah)
'Di masukat sa labi ang mga ngiti
Napawi ko na lahat ng pighati
Pumasok sa aking isipan
Na ang kasagutan ko sa katanungan ay narito na (ah)
'Di na maghihiwalay
Humawak ka sa 'kin, ibabalik ka

Sa dating napakasaya
No'ng tayo'y mga bata pa (ah)
Sa lugar kung saan na ikaw at ako
Ay nangako na tayo na ngang dalawa
Nagtungo ako, baka naroon ka
Kasi nga gusto na kitang makita (ah)
No'ng narating ko, niyakap mo ako
"Salamat sa iyo, dumating ka"

'Yan ang salita na nanggaling sa 'yo
Napaluha ako, ngayong katabi ko
Na ang babaeng nag-iisa lamang
Na pinakamamahal ko sa mundo (ah)
Humawak ka sa 'king kamay
Kasabay ng mga luhang taglay
Ng emosyon at pananabik
Napakasarap ng mga bawat halik (ah)

Tumangan ka sa 'kin
At ibinulong mo ang iyong mga pangungulila
Nagpasalamat ka sa 'kin
Pero, "Patawad, mahal" ng mahina
Tinitigan kita sa mata
"Bakit mayro'n ka bang kasalanan?"
Laking gulat ko na lamang
Nawala ka nang biglaan

Pero bakit gan'to? Ano ba ang nangyari? (Napakasarap siguro)
Bakit wala man lang sa 'kin nagsabi? (Kung 'di tayo nagkahiwalay)
Ano bang klaseng biro ito?
Ikaw daw ay naaksidente
Ayokong maniwala sa kanila (lahat ng mga pangarap ko)
Mahal ko, ako ay nakabalik na
Mahal ko, ngayon, ako'y narito na (para sa atin ay nawala)
Ibabalik natin ang dating saya

Sumama ka sa 'kin, sabay tatahakin (kung maaari sanang maibalik)
Ang mga hangarin na para sa atin
Salamat sapagkat ako'y inantay (ang dati)
'Di na muli pang maghihiwalay
Kahit na masakit kakayanin ko 'to (hindi sana 'to nangyari)
Kahit na buhay ko pa ang itaya
Kahit na masakit kakayanin ko 'to (ikaw pa rin sana)
Kahit na buhay ko pa ang itaya (ang palagi kong kasama)

Kung nalaman ko lamang
Ay 'di mo dinanas ang pinagdusahan mo't pinagdaanan
Ikaw ay ginapos at pinabayaan
Tinapon na lamang at pinag-usapan
At kinabukasan ay aking nalaman
Ikaw pala'y napagsamantalahan
Gusto kong balikan ang mga gumawa
Kahit sino pa 'yan, gusto kong gantihan

Kung nalaman ko lamang
Ay 'di mo dinanas ang pinagdusahan mo't pinagdaanan
Ikaw ay ginapos at pinabayaan
Tinapon na lamang at pinag-usapan
At kinabukasan ay aking nalaman
Ikaw pala'y napagsamantalahan
Gusto kong balikan ang mga gumawa
Kahit sino pa 'yan, gusto kong gantihan

Bakit nila sa 'yo 'to nagawa? (Oh)
Bakit nila sa 'yo 'to nagawa?
Bakit nila sa 'yo 'to nagawa?
Bakit nila sa 'yo 'to nagawa? (Oh)
Bakit nila sa 'yo 'to nagawa?
Bakit nila sa 'yo 'to nagawa?
Eh, 'di sana 'to nangyari kung hindi lang ako sa iyo nawala

Bakit nila sa 'yo 'to nagawa?
Bakit nila sa 'yo 'to nagawa? (Oh)
Bakit nila sa 'yo 'to nagawa?
Bakit nila sa 'yo 'to nagawa?
Bakit nila sa 'yo 'to nagawa?
Bakit nila sa 'yo 'to nagawa?
Eh, 'di sana 'to nangyari kung hindi lang ako sa iyo nawala
(Eh, 'di sana 'to nangyari kung hindi lang ako sa iyo nawala)



Credits
Writer(s): John Michael Edixon
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link

Disclaimer: i testi sono forniti da Musixmatch.
Per richieste di variazioni o rimozioni è possibile contattare direttamente Musixmatch nel caso tu sia un artista o un publisher.

© 2022 Riproduzione riservata. Rockol.com S.r.l.
Policy uso immagini

Rockol

  • Utilizza solo immagini e fotografie rese disponibili a fini promozionali (“for press use”) da case discografiche, agenti di artisti e uffici stampa.
  • Usa le immagini per finalità di critica ed esercizio del diritto di cronaca, in modalità degradata conforme alle prescrizioni della legge sul diritto d'autore, utilizzate ad esclusivo corredo dei propri contenuti informativi.
  • Accetta solo fotografie non esclusive, destinate a utilizzo su testate e, in generale, quelle libere da diritti.
  • Pubblica immagini fotografiche dal vivo concesse in utilizzo da fotografi dei quali viene riportato il copyright.
  • È disponibile a corrispondere all'avente diritto un equo compenso in caso di pubblicazione di fotografie il cui autore sia, all'atto della pubblicazione, ignoto.

Segnalazioni

Vogliate segnalarci immediatamente la eventuali presenza di immagini non rientranti nelle fattispecie di cui sopra, per una nostra rapida valutazione e, ove confermato l’improprio utilizzo, per una immediata rimozione.